Ang Port of Virginia ay naglilipat ng kargamento sa pamamagitan ng mga pasilidad na may pandaigdigang kalidad at nagdadala ng mga produkto at mga suplay patungo at mula sa mga pamilihan sa buong mundo, na ginagamit ng mga tagagawa, mga korporasyon, at indibidwal na konsumer sa kanilang mga pang-araw-araw na buhay. Ang kargamentong ito ay inilipat sa pamamagitan ng:
Ang malalim na tubig na daungan–ang pinakamalalim sa Silangang Baybayin ng Estados Unidos–ay tahanan ng pinakamalaking base ng hukbong-dagat sa mundo; matatag na industriya ng paggawa at pagkukumpuni ng barko; maunlad na kalakalan sa ekportasyon ng karbon at ang ikaanim na pinakamalaking containerized cargo complex sa Estados Unidos. Nag-aalok ang daungan ng mga tsanel na 50-talampakan, papasok at palabas, at ito ang natatanging daungan sa Silangang Baybayin ng Estados Unidos na may pahintulot ng Kongreso na maghukay hanggang 55 talampakan patungo sa kasamang Norfolk Harbor Dredging Project upang makamit ang lalim na 55 talampakan – bilang pagpapanatili ng pinakamalalim na tsanel sa Silangang Baybayin. Sa panahong kung saan ang mga barkong pangkargamento ay nagdadala ng sampu-sampung libo ng dalawampung talampakang katumbas na mga yunit sa bawat paglalayag, ang malalim na tubig at ang kawalan ng mga hadlang sa sukat at bigat ng mga kargamento ay isang mahalagang kalamangan sa kompetisyon.
Ang Port of Virginia ay isang hub port; isang mahalagang pagkakaiba para sa publiko sa pagpapadala. Halos 30 mga internasyonal na linya ng pagpapadala ay nag-aalok ng direkta, nakatuong serbisyo papunta at mula sa Virginia, na may mga koneksyon sa 200+ na mga bansa sa buong mundo. Sa isang average na linggo, higit sa 40 mga international container, breakbulk at roll-on / roll-off vessel ang sineserbisyuhan sa aming mga marine terminal.