Ang Virginia Employment Commission [Komisyon ng Empleo ng Virginia] (VEC) ay pinangangasiwaan ang mga programa ng benepisyo sa Unemployment Insurance [Seguro sa Pagkawala ng Trabaho] (UI) ng estado, na nagbibigay ng pansamantalang tulong pinansyal sa mga indibidwal na nawalan ng trabaho nang hindi nila kasalanan. Pinondohan ng mga buwis na binabayaran ng employer sa ilalim ng Virginia Unemployment Compensation Act, sinusuportahan ng programang ito ang mga manggagawa, mga pamilya, at mga komunidad habang pinatatatag ang ekonomiya. Ang VEC ay nag-uugnay sa mga indibidwal sa mga serbisyo sa trabaho at pagsasanay na pinamamahalaan ng Virginia Department of Workforce Development and Advancement [Kagawaran ng Pag-unlad at Pagsulong ng Lakas Paggawa ng Virginia] (DWDA), na kilala rin bilang "Virginia Works.”
Maaaring magbigay ang mga tanggapan ng Virginia Works ng mga pangunahing tulong sa mga benepisyo sa kawalan ng trabaho at mga serbisyo para sa muling pagtatrabaho.