Ang State Corporation Commission [Komisyon ng Korporasyon ng Estado] (SCC) ay may awtoridad sa regulasyon sa mga kagamitan, seguro, mga institusyong pampinansyal na may charter ng estado, mga panagot, retail franchising at mga riles. Ito ang pangunahing tanggapan ng estado para sa pagpapasa ng mga korporasyon, limitadong pakikipagsosyo, mga kompanyang may limitadong pananagutan, at mga lien sa ilalim ng Uniform Commercial Code. Ang SCC ay isang independiyenteng sangay ng pamahalaan ng estado na may itinalagang kapangyarihang pang-administratibo, pambatasan, at panghukuman. Ito ay nagsisilbing hukuman ng rekord at nagsasagawa ng mga pormal na pagdinig kapag kinakailangan. Ang mga desisyon ng SCC ay maaari lamang iapela sa Korte Suprema ng Virginia.
Itinatag noong 1902 sa ilalim ng Konstitusyon ng Virginia, nagsimula ang operasyon ng SCC noong Marso 1903. Ito ay orihinal na itinatag upang mangasiwa sa mga riles at telepono at industriya ng telegrapo sa Virginia. Simula noon, pinalawak na ng Virginia General Assembly [Pangkalahatang Kapulungan ng Virginia] ang kanilang kapangyarihan sa regulasyon.
Ang mga kapangyarihan ng SCC, na sumasaklaw mula sa pagpapalabas ng mga alituntunin at mga regulasyon hanggang sa pagtatakda ng mga halagang sinisingil ng malalaking kagamitan na pagmamay-ari ng mga namumuhunan, ay mga itinakda ng konstitusyon ng estado at batas ng estado. Ang tatlong mga komisyoner ng SCC ay inihahalal ng Pangkalahatang Kapulungan para sa anim na taong termino. Nagtatrabaho nang full-time, ang mga komisyoner ay nagbibigay ng direksiyon sa gawain ng SCC.
Toll-Free: 1-800-552-7945
General: (804) 371-9967
Clerk's Office: (804) 371-9733
Bureau of Insurance: (804) 371-9741