Makipag-ugnayan

  • Telepono(804) 786-6636
  • Mailing Address
    Judicial Inquiry and Review Commission
    P.O. Box 367
    Richmond, VA 23218

Tungkol sa Ahensiya

Ang Judicial Inquiry and Review Commission [Komisyon sa Pagsisiyasat at Pagsusuri ng Hukuman] ay nilikha ng Konstitusyon ng Virginia upang imbestigahan ang mga paratang ng maling asal o malubhang pangkaisipan o pisikal na kapansanan ng hukom. Ang Komisyon ay may pitong miyembro na binubuo ng tatlong hukom, dalawang abogado, at dalawang mamamayang hindi abogado. Ang mga miyembro ay inihahalal ng Pangkalahatang Kapulungan ng Virginia para sa apat na taong termino.

Ang Komisyon ay gumagamit ng mga tauhan upang tumulong sa pagsisiyasat ng mga reklamo ng maling pag-uugali laban sa lahat ng mga hukom ng korte ng estado, mga miyembro ng State Corporation Commission [Komisyon ng Korporasyon ng Estado], at mga miyembro ng Virginia Workers’ Compensation Commission [Komisyon ng Pasahod sa mga Manggagawa ng Virginia].

Iniimbestigahan ng Komisyon ang mga reklamo ng maling pag-uugali ng hukom o malubhang kapansanan sa kaisipan o pisikal na nakaaapekto sa mga tungkulin ng hukom. Kasama sa maling pag-uugali, ngunit hindi limitado sa:

  • pagpapahintulot na makaapekto ang pamilya, lipunan, o iba pang mga relasyon sa paghatol
  • hindi pagpapanatili ng tamang asal sa korte
  • pagkabigong maging mapagtimpi, marangal at magalang
  • hindi natutugunan agad ang mga gawain ng korte
  • pakikibahagi sa mga pribadong pag-uusap na maaaring makaimpluwensiya sa mga aksiyong panghukuman
  • pagbibigay ng komento sa publiko hinggil sa isang nakabinbing usapin
  • pagkabigong magbitiw sa isang paglilitis kung saan makatuwirang kuwestiyunin ang pagiging patas
  • pagtanggap ng mga regalo o pabor mula sa mga litigante o mga abogado
  • pagganap sa propesyon bilang abogado (maliban kung isang retirado o pamalit hukom)
  • pakikibahagi sa gawaing pampolitika
  • Maaaring kabilang sa kapansanang pangkaisipan o pisikal ang pag-abuso sa alkohol o droga, pag-uulyanin, o malubhang pisikal o mental na karamdaman.