Ang Department of the Treasury [Kagawaran ng Ingatang-yaman] ay nagsisilbing pangunahing ahensiya ng estado na nagbibigay ng mga serbisyong pampinansyal para sa mga ahensiya sa buong estado at mga institusyon ng Commonwealth. Ang Ingatang-yaman ay may anim na mga lawak ng dibisyon ng serbisyo: Pangkalahatang Pamamahala, Pamamahala ng Utang, Pamamahala ng Panganib, Mga Operasyon, Pamamahala ng Salapi at mga Pamumuhunan at Hindi Inaangking Ari-arian. Ang Ingatang-yaman ng Estado ay direktang nag-uulat sa Kalihim ng Pananalapi, na isang posisyon sa gabinete na direktang nag-uulat sa Gobernador. Ang Ingatang-yaman ay responsable para sa pamumuhunan ng pondo ng estado, pagbibigay at pamamahala sa maiikli at mga pangmatagalang pangangailangan sa pananalapi ng Commonwealth, pangangasiwa ng mga hindi inaangking ari-arian at mga batas ng escheat ng estado, pangangasiwa ng mga programa ng seguro at pamamahala ng panganib, pamamahala ng network ng pagbabangko ng estado, pagbuo ng mga programa sa pamamahala ng salapi, at mga serbisyo sa pag-iisyu ng tseke.