Ang Department of Small Business and Supplier Diversity [Kagawaran ng Maliit na Negosyo at Dibersidad ng Suplayer] (SBSD) ay ang ahensiya ng estado na nakatuon sa pagpapahusay ng pakikilahok ng aming maliliit, mga negosyong pag-aari ng kababaihan at minorya sa pagkakataong makuha bilang tagapagbigay ng serbisyo at produkto sa Virginia. Ang SBSD ay responsable para sa pangangasiwa ng dalawang programa ng sertipikasyon: ang Maliit, Negosyong Pag-aari ng Kababaihan at Minorya sa ilalim ng “SWaM” Procurement Initiative ng Virginia at Disadvantaged Business Enterprise [Negosyong Pag-aari ng nasa Di-kalamang na Kalagayang Programa] (“DBE”) Program ng pederal na Department of Transportation [Kagawaran ng Transportasyon] ng Estados Unidos. Nagbibigay din ang SBSD ng suporta sa aming mga sertipikadong negosyo sa pamamagitan ng mga programa sa pagpapaunlad ng negosyo at adbokasiya sa pamimili, sa pakikipagtulungan sa iba pang mga ahensiya at mga departamento.