Tungkol sa Ahensiya
Ang DHRM ay responsable para sa:
- Pagtatatag ng estruktura ng pag-uuri ng trabaho ng Commonwealth;
- Mga programa sa pangunahin at di-pangunahing kompensasyon;
- Iba't ibang programang pambenepisyo na sumasaklaw sa mga kasalukuyan at retiradong empleyado ng estado, pati na rin sa ilang mga empleyado ng lokal na pamahalaan;
- Pamamahala ng mga ugnayan sa mga empleyado;
- Mga programa sa pamamahala ng pagganap na kinabibilangan ng pagtatatag ng mga pamantayan para sa pag-uugali ng empleyado na nakabatay sa kagandahang-asal sa lugar ng trabaho;
- Pagkuha at pagpapanatili ng talento sa trabaho; at
- Pagsasanay at pag-unlad ng empleyado
Ang DHRM ay responsable sa pagpapakilala ng teknolohiya at mga sistema ng solusyon para sa pamamahala ng datos at mga prosesong may kinalaman sa mga tao. Ang pantay na oportunidad sa paghahanapbuhay ang nananatiling pangunahing priyoridad na may pinalawak na tuon sa pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay at ingklusyon sa loob ng lugar ng trabaho. Sa pagpapatakbo sa isang desentralisadong kapaligiran ng mga kawani, kinakailangang mangasiwa ng DHRM ng isang programa ng pagsusuri sa pagiging epektibo ng pagganap ng kawani sa mga aktibidad ng mga ahensiya ng Commonwealth.