Ang Virginia Department of Housing and Community Development (DHCD) [Kagawaran ng Pabahay at Pagpapaunlad ng Komunidad ng Virginia] ay nakikipagtulungan sa mga inisyatiba ng estado, pederal, lokal, at nonprofit na pabahay at pag-unlad ng komunidad at ekonomiya. Ang mga programa ng DHCD ay nagsusumikap na mapanatili ang kasiglahan ng mga komunidad sa buong Commonwealth at kinabibilangan ng pagbibigay ng unibersal na access sa broadband, pamumuhunan sa mga inisyatiba sa pag-unlad ng ekonomiya, pagpapakalat ng mga regulasyon sa pagpapatayo ng gusali at sunog sa buong estado, pagpapanatili ng pagiging abot-kaya at kahusayan ng mga tahanan at gusali sa Virginia, pagtugon sa kawalan ng tirahan, pagbabawas ng mga bilang ng ebiksiyon sa buong estado, at pagtataguyod ng mga makabagong solusyon upang lumikha ng abot-kayang pabahay. Ang DHCD ay namumuhunan ng higit sa $350 milyon taon-taon, bukod pa sa $2 bilyon sa mga pederal na programa ng pagbangon, bilang katuwang ng mga komunidad sa Virginia upang makalikha ng ligtas, abot-kaya, at maunlad na mga komunidad para sa pamumuhay, pagtatrabaho, at pagnenegosyo sa Virginia.
600 East Main Street, Suite 300
Richmond, VA 23219
Mga Direksiyon