Tungkol sa Ahensiya
Ang Department of General Services [Kagawaran ng mga Pangkalahatang Serbisyo] (DGS) ay nagpapadali sa gobyerno na makipagnegosyo, at sa mga taga-Virginia na makipagnegosyo sa gobyerno, sa pamamagitan ng pagbibigay ng malawak na hanay ng mga serbisyo sa iba pang mga ahensiya ng estado, mga institusyon ng mas mataas na edukasyon, mga lokal na pamahalaan, mga negosyo, at mga mamamayan. Nagbibigay ang DGS ng mga serbisyong nagpapahintulot sa mga ahensiya na ituon ang kanilang mga lakas tungo sa kanilang mga pangunahing misyon nang hindi kinakailangang alalahanin ang mga lohistika ng operasyon.
Ang kagawaran ay binubuo ng maraming yunit ng mga negosyo, na bawat isa ay dalubhasa sa isang pangunahing tungkulin ng pamahalaan.
- Pinamamahalaan ng Division of Purchases and Supply [Dibisyon ng mga Pinamili at Suplay] (DPS) ang mga serbisyo sa pamimili sa buong estado; pinapatakbo ang elektronikong sistema ng pamimili, eVA; nagtatatag ng mga patakaran at mga pamamaraan para sa mga hindi propesyonal at hindi teknolohiyang pamimili; at pinamamahalaan ang Virginia Distribution Center [Sentro ng Pamamahagi sa Virginia].
- Ang Division of Consolidated Laboratory Services [Dibisyon sa mga Pinagsamang Serbisyo ng Laboratoryo] (DCLS) ay pampublikong kalusugan at pangkapaligirang laboratoryo ng Virginia, na nagsasagawa ng mahigit sa 9 milyong mga pagsusuri taon-taon para sa mga ahensiya ng estado, mga lokal na pamahalaan, mga pederal na ahensiya, at iba pang mga estado.
- Ang Division of Real Estate Services (DRES) ay namamahala sa portfolio ng real estate ng Commonwealth, nangangasiwa sa pamamahala, pagpapanatili at pagpapatakbo ng mga gusali at lupa sa loob at paligid ng Capitol Square, at pinapatakbo ang paradahan ng empleyado ng estado at mga sistema ng pag-access sa gusali.
- Ang Division of Engineering and Buildings [Dibisyon ng Inhinyeriya at mga Gusali] (DEB) ay nagsisilbing Opisyal ng Pagtatayo para sa lahat ng konstruksiyon sa pag-aari ng estado.
- Ang Office of Construction for Special Projects [Tanggapan ng Konstruksiyon para sa mga Espesyal na Proyekto] ay nagbibigay ng mga serbisyo sa pamamahala ng proyekto para sa mga proyekto ng konstruksiyon sa punong tanggapan ng pamahalaan at sa buong commonwealth.
- Ang Office of Fleet Management Services (OFMS) ay nagpapatakbo at nagpapanatili ng isang sentralisadong fleet ng humigit-kumulang 4,000 na mga sasakyan at nangangasiwa sa tulong sa tabing daan, pagpapanatili at pagkukumpuni para sa mga sasakyang pagmamay-ari at inuupahan ng mga naka-enroll na pampublikong katawan.
- Ang Office of Surplus Property Management [Tanggapan ng Pamamahala ng mga Ari-ariang Surplus] (OSPM) ay namamahala sa mga programa ng labis na ari-arian ng pederal at estado ng Virginia, kabilang ang mga bodega sa Richmond at Wytheville at tindahan sa Wytheville.
- Ang State Mail Services [Mga Serbisyo ng Koreo ng Estado] (SMS) ay nagbibigay ng mga serbisyong postal sa punong tanggapan ng pamahalaan.
- Pinamamahalaan din ng DGS ang OnTheSquareVA na programa para sa pakikilahok ng mga empleyado.