Makipag-ugnayan

Tungkol sa Ahensiya

Ang Virginia Department of Emergency Management [Kagawaran ng Pamamahala ng Kagipitan ng Virginia] (VDEM) ay nakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan, mga ahensiya ng estado at pederal, at mga boluntaryong organisasyon upang magbigay ng mga mapagkukunan at kadalubhasaan sa pamamagitan ng apat na yugto ng pamamahala ng kagipitan. Ang VDEM ay bumubuo at nagpapanatili ng mga plano sa kagipitan ng estado at tumutulong sa mga komunidad sa pagbuo ng mga lokalisadong plano ng operasyong pangkagipitan.

Nakikipagtulungan din ang ahensiya sa mga lokal na hurisdiksiyon upang matulungan sila sa pagdidisenyo ng epektibo at pangmatagalang mga plano sa pagbabawas ng pinsala bilang pagtugon sa mga panganib na partikular sa kanilang mga komunidad. Pinangangasiwaan ng VDEM ang mga kurso sa pagsasanay sa pamamahala ng kagipitan, pagtugon sa mga mapanganib na materyales, at paghahanap at pagliligtas upang ihanda ang mga lokal na tagatugon para sa mga sakuna at mga bunga nito. Ang mga pagsasanay at mga drill na isinasagawa sa buong estado ay nagbibigay ng mga pagkakataon upang magamit ang mga kasanayang ito sa isang kontroladong kapaligiran. Kapag nangangailangan ng tulong ang mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa isang krisis, tinatawagan nila ang VDEM.

Pinalawak ng estado ang mga tauhan sa Virginia Emergency Operations Center [Sentro ng Operasyong Pangkagipitan ng Virginia] upang maisaayos ang mga pagsisikap sa pagtugon at magbigay ng mga ulat ng kalagayan sa gobernador hinggil sa kasalukuyang mga kondisyon. Kung kinakailangan, ang gobernador ay magdedeklara ng state of emergency. Kasunod ng isang pederal na idineklarang sakuna, nakikipagtulungan ang VDEM sa FEMA upang iugnay at pangasiwaan ang mga programa ng pagtulong sa mga naapektuhang indibidwal at mga pampublikong ahensiya.

Mga Lokasyon at mga Karagdagang Contact

Iba't ibang Lokasyon

Maghanap ng Lokasyon

Kumonekta Online

Mga Inaalok na Serbisyo at Mapagkukunan