Makipag-ugnayan

Tungkol sa Ahensiya

Ang Department of Corrections (DOC), na nangangasiwa sa pagpapatakbo ng mga pasilidad ng pagwawasto para sa mga nasa hustong gulang ng Commonwealth, ay nagpapatakbo ng humigit-kumulang 50 institusyon sa buong estado. Sa nakalipas na quarter siglo, ang Departamento ay lumago mula sa isang katamtamang ahensya ng 5,300 mga bilanggo, at 4,100 mga empleyado, hanggang sa isang ahensya ng humigit-kumulang 31,000 mga bilanggo, at halos 13,000 mga empleyado. Minarkahan ng 2004 ang ika- 30na anibersaryo ng paglikha ng Virginia Department of Corrections.

Noong 1942, ang Mga Serbisyo ng Probasyon at Parol sa buong estado ay nilikha sa ilalim ng bagong Virginia Parole Board [Lupon ng Parol ng Virginia] at inilipat sa Department of Corrections [Kagawaran ng Koreksiyon] noong Hulyo 1, 1974. Ang Sistema ng mga Koreksiyon Batay sa Komunidad ng Buong Estado ay pinalawak at isinabatas noong 1995. Kasama rito ang 43 mga Distrito ng Probasyon at Parol, Mga Sentro ng Alternatibong Daan, Mga Sentro ng Detensiyon, mga programa ng Korte para sa Droga, at mga yunit ng pangunahing pansuporta na namamahala sa mga aktibidad kasama ang mga lokal na pasilidad ng koreksiyonal, Kasunduang Interstate para sa mga nasa Probasyon at Parol, at suporta ng kawani para sa Virginia Parole Board [Lupon ng Parol ng Virginia].

Pinapahusay namin ang kalidad ng buhay sa Commonwealth sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kaligtasan ng publiko. Isinasagawa namin ito sa pamamagitan ng muling pagsasama ng mga hinatulang kalalakihan at kababaihan sa aming pangangalaga sa pagbibigay ng pangangasiwa at kontrol, epektibong mga programa at mga serbisyo sa muling pagpasok sa ligtas na kapaligiran na nagtataguyod ng positibong pagbabago at konsistent na paglagong naaayon sa ebidensyang batay sa pananaliksik, pagiging responsable sa paggamit ng pananalapi, at mga pamantayang konstitusyonal.

Ang DOC ay isang huwarang ahensiya ng koreksyonal at isang napatunayang makabago at nangunguna sa propesyon. Ang Virginia ay isang mas ligtas na lugar upang manirahan at magtrabaho dahil ang Kagawaran ay nagbibigay ng mga natatanging serbisyo at mga programa para sa rehabilitasyon at pangangasiwa ng mga nagkasala.

Kumonekta Online