Makipag-ugnayan

  • Telepono(804) 371-3140
  • Mailing Address
    The Department for the Blind and Vision Impaired
    397 Azalea Avenue Richmond, VA 23227

Tungkol sa Ahensiya

Ang Department for the Blind and Vision Impaired [Kagawaran para sa mga Bulag at may Kapansanan sa Paningin] (DBVI) ay nakatuon sa pagbibigay ng mataas na kalidad ng mga serbisyo upang matulungan ang mga mamamayan ng Virginia na bulag, bingi at bulag o may kapansanan sa paningin na makamit ang kanilang pinakamataas na antas ng trabaho, edukasyon, at personal na kalayaan. Ang kagawaran ay nagbibigay ng iba't ibang mga dalubhasang serbisyo sa mga bulag na taga-Virginia sa lahat ng edad upang tulungan silang makamit ang mga kasanayan, lakas ng loob, at positibong pananaw na mahalaga para sa kanilang pagsasarili.

Ang aming pangunahing layunin ay tulungan ang mga bulag na taga-Virginia na makamit ang mga dekalidad na resulta sa empleo. Ang pagsusuri sa bokasyonal, pagsasanay sa trabaho, pag-unlad ng trabaho, paglalagay sa posisyon, follow-up at iba pang mga serbisyo ay ibinibigay upang matulungan ang mga konsumer sa pagkuha ng mga trabaho sa pampubliko at pribadong sektor. Ang pagsasanay para sa at pagtatrabaho bilang mga tagapamahala ng serbisyo sa pagkain at mga bendidor ay makukuha sa mga cafeteria, snack bar, at iba pang mga pasilidad ng vending sa mga pampubliko at pribadong gusali. Ang Virginia Industries for the Blind [Mga Industriya para sa mga Bulag ng Virginia] ay nagbibigay ng isa pang opsiyon sa trabaho para sa mga bulag na taga-Virginia sa dalawang lokasyon ng planta nito sa Charlottesville at Richmond, pati na rin sa mga operasyon ng satellite store at mga posisyon sa serbisyong administratibo sa buong Commonwealth.

Mga Lokasyon at mga Karagdagang Contact

Iba't ibang Lokasyon

Maghanap ng Lokasyon

Kumonekta Online