Ang Department for Aging and Rehabilitative Services [Kagawaran para sa mga Serbisyo sa Pagtanda at Pagrehabilita] (DARS) ng Virginia, sa pakikipagtulungan sa mga kaagapay sa komunidad, ay nagbibigay at nagtataguyod para sa mga mapagkukunan at mga serbisyo upang mapabuti ang paghahanapbuhay, kalidad ng buhay, seguridad, at pagsasarili ng mga nakatatandang taga-Virginia, mga taga-Virginia na may kapansanan, at kanilang mga pamilya. Kasama sa DARS ang Adult Protective Services Division [Dibisyon ng mga Serbisyo sa Pangangalaga sa Nakatatanda], ang Community Based Services Division [Dibisyon ng mga Serbisyong Nakabatay sa Komunidad], Disability Determination Services [Mga Serbisyo sa Pagtukoy ng Kapansanan], ang Division for Rehabilitative Services [Dibisyon para sa mga Serbisyo ng Pagrehabilita], ang Division for the Aging [Dibisyon para sa mga Nakatatanda], Wilson Workforce and Rehabilitation Center [Sentro ng Lakas Paggawa at Rehabilitasyon ng Wilson], ang Office of Community Integration [Tangggapan ng Integrasyon ng Komunidad] at ang Office of the State Long-Term Care Ombudsman [Tanggapan ng Tanodbayan ng Estado sa Pangmatagalang Pangangalaga].