Ang Hukuman ng Pag-aapela ng Virginia ay nagbibigay ng pagsusuri sa apela ng mga pangwakas na desisyon ng mga sirkitong hukuman sa mga usaping may kinalaman sa relasyon sa tahanan, mga apela mula sa mga desisyon ng isang ahensiyang pang-administratibo, mga paglabag sa trapiko at mga kasong kriminal, maliban kung saan ipinataw ang parusang kamatayan. Dinidinig din nito ang mga apela sa mga pinal na desisyon ng Virginia Workers’ Compensation Commission [Komisyon ng Pasahod sa mga Manggagawa ng Virginia]. Habang ang mga apela ng mga kasong kriminal at trapiko, ang mga pangwakas na desisyon sa mga aplikasyon para sa mga pahintulot ng mga itinagong armas, at ilang mga paunang desisyon sa mga kaso ng felony ay inihaharap sa pamamagitan ng isang petisyon para sa apela, ang lahat ng iba pang mga apela sa Hukuman ng Pag-aapela ay batay sa karapatan. Ang Hukuman ng Pag-aapela ay may orihinal na hurisdiksiyon na maglabas ng mga writs of mandamus, pagbabawal, at habeas corpus sa anumang kaso kung saan ang hukuman ay may hurisdiksiyon ng pag-apela, at mga writ ng aktwal na kawalang-sala (batay sa ebidensyang hindi biyolohikal).
Ang mga desisyon ng Hukuman ng Pag-aapela ay pinal sa mga kaso ng paglabag sa trapiko at maliit na kasalanan kung saan walang ipinataw na pagkakakulong, sa mga usaping may kinalaman sa relasyon sa pamilya, at sa mga kasong nagmumula sa mga ahensiyang administratibo o sa Virginia Workers’ Compensation Commission [Komisyon ng Pasahod sa mga Manggagawa ng Virginia]. Gayunpaman, maaaring suriin din ng Korte Suprema ang mga desisyong iyon kung matutuklasan nito na ang desisyon ng Hukuman ng Pag-aapela ay may kinalaman sa isang mahalagang katanungan sa konstitusyon bilang isang isyung batayan ng pagpapasya o mga bagay na may magkakaroon ng makabuluhang halaga sa mga kaso sa hinaharap. Maliban sa mga kasong ang desisyon ng Hukuman ng Pag-aapela ay pinal, ang sinumang partido na hindi nasiyahan sa desisyon ng Hukuman ng Pag-aapela ay maaaring magpetisyon sa Korte Suprema para sa apela.